BSP naglagay ng currency exchange facility para sa mga OFWs galing Ukraine

Binuksan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang currency exchange facility (CEF) para sa mga overseas Filipinos at kanilang mga pamilya galing Ukraine.

Sa isang pahayag sinabi ng BSP na bilang bahagi ng inisyatiba ng central bank na tulungan ang mga overseas Filipinos na nawalan at naapektuhan ng kaguluhan ng Russia-Ukraine kaya inaprubahan ang pagbubukas ng Ukrainian Hryvnia (UAH) CEF.

Sa pamamagitan ng pasilidad, ang mga umuuwi na overseas Filipino mula sa Ukraine gayundin ang kanilang mga pamilya ay makakapagpalit ng kanilang UAH na katumbas ng hindi hihigit sa P20,000 per eligible person.

Nilinaw naman ng BSP na ang pasilidad ay magagamit sa limitadong panahon lamang.

Noong Marso, ipinag-utos ng Department of Foreign Affairs ang mandatory repatriation matapos ilunsad ng Russia ang pagsalakay sa Ukraine.