Riot Police at mga personahe ng Naga City Police Office nagbantay sa seguridad sa kilos protesta kaugnay ng Labor Day

NAGA CITY – Naghanda para sa kilos protesta ng mga progresibong grupo ang PNP Riot Police ng Naga City Police Office ngayong Labor Day.

Ayon kay PLTCOL. Dario Sola ang Deputy City Director for Operations ng NCPO, maliban sa mga naka-deploy na pulis sa lugar ay mayroon ding inilatag na mga Contingency Plan ang NCPO upang matiyak na matahimik ang kilos protesta.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026
Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Pagbibigay diin ni PLTCOL. Sola, may mga grupong kumuha ng permit upang nakapagsagawa ng rally ngayong araw at ang PNP naman ay iginagalang ang kanilang isasagawang aktibidad. Pagpapanatili ng katahimikan at seguridad ang magiging papel ng NCPO.