Ride-hailing app driver na nang-holdap ng isang dayuhan sa San Juan City, arestado

Arestado ang isang ride hailing app driver matapos nitong mang-holdap sa kanyang pasaherong dayuhan sa San Juan City.

Nag book ng masasakyan ang isang Dominican Republic national mula Quezon City hanggang Makati City, ngunit pagdating sa San Juan ay biglang nagpalit ng ruta ang driver.

Read More:  Endangered crocodile rescued in Valenzuela City

Ayon kay Police Colonel Francis Reglos, San Juan Chief of Police, nagdeklara ng holdap ang suspek sa bandang Barcelona Street ng barangay Maytunas.

Nakuha sa biktima ang suot nitong jacket, bag, at cellphone at agad na iniwan at tuluyang tumakas matapos ang isnidente.

Read More:  Endangered crocodile rescued in Valenzuela City

Ngunit hindi naisip ng suspek na madali siyang matutunton ng mga awtoridad dahil nakuha ng dayuhan ang screenshot ng mukha ng driver at iba pang personal na detalye nito.

Sa huli, narekober ang lahat ng ninakaw at naaresto rin ang live-in partner ng suspek na umano’y nagtago ng mga ebidensya.