Mga magsasaka sa bayan ng Capalonga napagkalooban ng libreng mga de-kalidad na binihi ng palay

CAMARINES NORTE – Nanguna ang Municipal Agriculture Office at Department of Agriculture sa pamamahagi ng de-kalidad na binhi para sa mga rehistradong magsasaka sa nasabing bayan.

Layon nito na mapagkalooban ng maayos na pananim na palay ang mga magsasaka na kamakailan lamang ay napinsa ang mga pananim dahil sa mga sakit sa palay na dumapo dito.

Umabot sa 800 magsasaka ang nabiyayaan ng mga nasabing binhi na maaari pang magpaunlad sa sektor ng agrikultura sa bayan ng Capalonga.

Sinimulan kahapon ang pamamahagi ika 5 ng Hunyo 2024 hanggang ngayong araw ika 6 ng Hunyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *