Rhenz Abando, patuloy pa ring nagpapagaling matapos ma-injure sa Korea

Patuloy na nagpapagaling ang Filipino import na si Rhenz Abando mula sa kanyang injury na natamo niya sa Korean Basketball League noong nakaraang buwan.

Isang araw bago ang laro ng Anyang Jung Kwang Jang Red Boosters sa East Asia Super League laban sa TNT Tropang Giga, sinabi ni Abando na sasailalim pa rin siya sa panibagong CT scan tests pagbalik ng koponan sa Korea.

Read More:  69 Filipino para athletes gear up for Asian Para Games

Unang naiulat na pinag-iisipan ng kanyang kampo kung gagawa sila ng legal na aksyon laban kay Chinanu Onuaku hinggil sa insidente.

Read More:  Ernie Gawilan bags Philippines’ first gold at 2026 Asian Para Games

Gayunpaman, kinumpirma ni Abando na hindi ito itutuloy dahil napagdesisyunan nitong mag-move on na lang sa sitwasyon.

Photo from official facebook page of Rhenz Abando