Retro Fun Run, Isasagawa ng Pamahalaang Panlungsod ng Olongapo

Magsasagawa ng Retro Themed Neon Fun Run ang Pamahalaang Panlungsod ng Olongapo.

Ito ay bilang parte ng selebrasyon ng 58th Olongapo Cityhood Celebration o ang pagiging Lungsod ng Olongapo.

Ang Fun Run na ito ay may haba na tatlong kilometro na magsisimula sa Marikit Park, Olongapo City.

Inaanyayahan ng Pamahalaan ang lahat ng mga residente na makiisa sa proyektong ito at magsuot ng makukulay na damit.

Ang aktibidad ay isasagawa sa June 15, 2024, Sabado, ganap na alas siete ng gabi.

Samantala, sa mga gusting magpa-rehistro ay maaaring pumunta sa social media site ng Olongapo City Information Center.// LESLEY DIZON – BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *