Restaurant sa Singapore, pinagmumulta ang magulang ng mga batang maiingay at makukulit habang nasa loob ng kainan

ISANG restaurant ang kontrobersiyal ngayon sa bansang Singapore dahil sakanilang ipinapatupad na polisiya sa kanilang mga customers.

Pinagmumulta kase nito ang mga magulang o mga nakatatandang customers sa oras na mag-ingay at maging makulit ang kanilang dalang mga bata sa pag-dine in sa loob ng restaurant.

Ayon sa pamunuan ng Angie’s Oyster Bar and Grill na matatagpuan sa Tan Boot Liat Building sa Outram Road ng nasabing bansa, ipinatupad nila ang nasabing polisiya dahil sa dumaraming natataggap na reklamo hinggil sa mga batang nagsisipagtakbuhan at nakaka istorbo pati sa ibang mga customers.

Mabigat man anila sa kalooban ng pamunuan ng kainan, isinasaalang-alang lamang nila ang kaligtasan rin ng mga bata lalo at may mga waiters and waitresses na nag se-serve ng mainit na pagkain na delikado sakaling ma disgrasya bunsod ng mga pasaway na bata.

Isa pa umano sa layunin nito ay upang mabigyan rin ng komportableng ambiance ang iba pang customers na nais kumain nang matahimik.

Sa ilalim ng nasabing polisiya, pagmumultahin ng S$10 o katumbas ng P400 ang mga magulang na papabayaang mag-ingay at magkulit sa loob ng establisiyemento ang kanilang mga anak.### JDR, BNFM BICOL