Pumabor na rin ang mga residente ng Zone 4 sa bayan ng Bulan Sorsogon sa planong konstruksyon ng ice plant at cold storage sa lugar.
Kasunod ito ng ikalawang public consultation na ginawa noong nakatalikod na araw kung saan ipinaliwanag ng iba’t ibang ahensya sa mga residente ang magiging epekto sa ekonomiya ng lugar ng mga itatayong pasilidad gayundin sa kalusugan ng mga residente kung kaya’t plano itong itayo sa lugar malayo sa mga kabahayan na isa sa mga dahilan kung kaya’t sa unang kunsultasyon ay hindi pumayag ang mga residente sa nasabing plano.
Tiniyak din sa mga ito na mga bagong teknolohiya ang ilalagay sa nasabing pasilidad at sakaling magkaproblema sa loob ng 6 na buwan ay agad na ititigil ang operasyon at ipapasara.
Bukod kay Bulan Mayor Romeo Gordola, presente rin sa public consultation ang mga ahensya ng Philippine Fisheries Development Authority DENR, MENRO, at PENRO gayundin sina 2nd District Congressman Wowo Fortes, mga Sangguniang Panlalawigan member, Councilor JC Magtibay at mga residente ng Zone 4.
Mababatid na layunin ng pagtatayo ng nasabing mga pasilidad na matulungan ang mangingisda upang mabawasan ang bilang ng mga nasasayang na isda dahil sa kakulangan sa yelo at storage facility.
