Rep. Romulo: School days ng mga learners – dapat araling mabuti

Nakatakdang makipagpulong ang House Committee on Basic Education sa Department of Education (DepEd) upang matukoy ang mga dapat gawin ng Kongreso sa usaping pagbabalik ng Pilipinas sa lumang school calendar.

Ito ay matapos i-adapt na ng Kamara ang resolusyong naghihikayat sa DepEd na ibalik na ang dating period ng pag-aaral ng mga estudyante.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Sa panayam ng Brigada News FM kay House Committee on Basic Education Chair Cong. Roman Romulo, sinabi nitong isa sa dapat talakayin ay ang leaves ng mga guro.

Pag-aaralan din umano nila ang tungkol sa school days na ipapasok ng mga estudyante.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Sa ngayon kasi, minimum of 180 days ang dapat ipasok ng mga bata sa paaralan.

Sa huli, hinikayat ng mambabatas ang lahat na magtulungan na upang maibalik ang old academic calendar, kung saan mas maiiwasan din ang kanselasyon ng klase dahil sa matinding init.