Reorganization ng PCO, ipinag-utos ni PBBM para sa mas maayos na pagbibigay ng serbisyo sa publiko

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang reorganization ng Presidential Communications Office o PCO.

Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Executive Order (EO) No. 16 ngayong araw na pandagdag sa EO No. 11 na nilagdaan ng Pangulo noong December 29 noong nakaraang taon.

Ang re-organization sa PCO ay para ma-consolidate ang communication activities nito para sa mas maayos na pagbibigay ng serbisyo sa publiko.

Sinabi ng PCO na ang revamped ay pamumunuan pa rin ng isang secretary na susuportahan ng limang undersecretaries, 14 na assistant secretaries, at isang assistant secretary na direktang nag-uulat sa PCO Secretary.

Ang limang undersecretaries ang mamumuno sa limang functional areas sa restructured PCO na; Traditional Media and External Affairs; Digital Media Services; Content Production; Broadcast Production and Operations, Administration, and Finance.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *