Remulla: NBI, iimbestigahan ang journo killing sa Mindoro

Inatasan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang National Bureau of Investigation  na imbestigahan ang kaso ng pagpatay sa radio broadcaster na si Cresenciano Bunduquin sa Oriental Mindoro.

Aniya, inilabas niya ang direktiba sa kahilingan ni Presidential Task Force on Media Security  Executive Director Paul Gutierrez.

Read More:  Lawyers group offers aid to cop in viral rider incident

Nakasaad sa mga ulat ng pulisya na si Bunduquin ay binaril ng riding-in-tandem habang binubuksan niya ang kanyang tindahan sa Barangay Sta. Isabel, Calapan City noong Miyerkules ng umaga.

Ayon kay Remulla, kailangan din malaman kung sino ang nasa likod ng gun for hire na pumatay sa biktima.

Read More:  NBI says it has information on Sen. Bato dela Rosa’s location

Samantala, sa panig ng PNP, kukuhaan ng affidavit ang mga testigo sa krimen para makumpirma kung ang kanila bang mga persons of interest ay kasama rin ng gunman at ang namatay na suspek.

Kung maaaala – napatay na ang isang suspect na si Narciso Guntan matapos ‘aksidenteng’ mabangga raw ng anak ng biktima.//CA