Relocation site para sa mga maapektuhan ng PNR project sa Laguna, kasado na

Pinangunahan ng Department of Transportation at National Housing Authority ang groundbreaking ceremony para sa Housing Resettlement Sites ng PNR South Long Haul Project sa San Pablo city, Laguna.

Sa mensahe ni Secretary Jaime Bautista, tiniyak nito sa mga residente na maaapektuhan ng proyekto na mabibigyan sila ng maayos at magandang pabahay ng pamahalaan.

Read More:  Duterte family vows to continue visits to former PRRD at ICC

Sa kabuuan, sisimulan ang pagtatayo ng 3,651 housing units sa Laguna at Quezon, kabilang ang San Pablo, Tiaong, Candelaria, Sariaya, at Pagbilao.

Read More:  PhilSA: Navotas landfill fire affects nearly 28.6 hectares

Target na matapos ang konstruksyon ng PNR South Long-Haul Project sa susunod na taon, at magsisimula ang operasyon sa 2025.

Sa oras na matapos ang proyekto, inaasahang mapapaiksi nito ang biyahe mula Manila hanggang Bicol ng apat na oras mula sa kasalukuyang 12 oras.