Relocation para sa mga apektado ng mga proyekto ng DOTr nilagdaan na

Nilagdaan na nina Department of Transportation Sec. Jaime Baustita at Department of Human Settlements and Urban Development Jose Rizalino Acuzar, ang isang kasunduang relocation ng gobyerno.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Nakasaad sa naturang kasunduan, ang pagtutulungan ng dalawang ahensiya para sa isasagawang libreng pabahay sa mga maapektuhan ng mga proyektong may kaugnayan sa transportation.

Ayon kay Acuzar, sa ilalim ng naturang memorandum gagawin nilang prayoridad ang libreng pabahay para sa bawat pamilyang Pilipinong maapektuhan ng mga proyekto ng DOTr.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Plano rin ng dalawang ahensiya na makipag-ugnayan sa mga local government sa Pilipinas upang mabilisang masagawa ang naturang proyekto.