Releasing ng UniFast sa Koronadal, matatapos na sa Sabado

KORONADAL CITY – MATATAPOS na sa Sabado, Enero 27, 2024 ang releasing ng UniFast Grant ng libo-libong student-beneficiaries sa buong bansa lalo na sa lungsod ng Koronadal. Ito ang inihayag ni Ernest Paul Ysen Ogena, Lead Regional Coordinator ng UniFast Region-12 sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kung saan dapat ma-release na ng lahat na mga paaralan ang grant ng mga mag-aaarala bago ang deadline sa Sabado.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Nabatid na naidownload na noong Disyembre 22, 2023 ang pondo ng bawat paaralan kung saan mayroong 30-days na period ang pagbibigay ng grant sa mga estudyante. Ayon kay Ogena, dapat itong maipamigay ng mga paaralan sa mga benepisyaryo dahil posible silang mahaharap sa mga sanctions at penalties.

Nilinaw din ni Ogena na mayroon na lamang na tig-P10,000 ang matanggap ng mga benepisyaryo bawat semestre sa loob ng isang academic year.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Isinailalim din sa masusing verification ang lahat ng mga benepisyaryo bago ang mga ito bibigyan ng benepisyo. Samantala, pinaalalahan din nito ang lahat ng mga paaralan na dapat itong ipatupad na at huwag ng antayin ang deadline. Kaugnay nito, hinihikayat ng opisyal ang mga estudyante na magpadala ng complaint letter sa kanilang opisina upang agad na maaksyunan ang reklamo gaya nito.