Regular na paglabas ng road advisory, hinihiling ng CVRDRRMC sa DPWH

𝗥𝗘𝗚𝗨𝗟𝗔𝗥 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗟𝗔𝗕𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬, 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗖𝗩𝗥𝗗𝗥𝗥𝗠𝗖 𝗦𝗔 𝗗𝗣𝗪𝗛 Hiniling ng Cagayan Valley Regional Disaster Risk Reduction Management Council sa Department of Public Works and Highway Region 2 na maglabas ng mga Road advisory para sa mga biyahero sa Rehiyon Dos . Inilabas ang mungkahi sa isinagawang disaster preparedness meeting kung saan lumabas ang palagiang pagsasara ng daan sa bahagi ng Sitio Pancian, Patapat, Pagudpud, Ilocos Norte na malaking abala sa mga biyahero na palabas at papasok ng rehiyon dos. Nabanggit din ang sitwasyon sa Nueva Vizcaya- Nueva Ecija Road network, na may ilan ding ongoing Road Rehabilitation projects sa bahagi ng Diadi at Sta Fe, Nueva Vizcaya. Nais ng CVRDRRMC na agad na magpalabas ng abiso ang nasabing tanggapan lalo na kung hindi madaanan ang isang lugar upang hindi maabala ang publiko. Tiniyak naman ng DPWH Region 2 na gagawa sila ng hakbang upang matugunan agad ang mga ganitong sitwasyon.

Enter

You sent

Open photo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *