CAMARINES NORTE- Binuksan na sa SM City Daet ang Registration Center para sa Philippine Identification System o PhilSys.
Ayon sa Philippines Statistics Authority (PSA) bukas ang registration center sa mga residente mula sa iba’t- ibang bayan sa Camarines Norte.
Maaaring iproseso ang pagrerehistro sa PhilSys Lunes hanggang Linggo simula alas 10 ng umaga hanggang alas 7 ng gabi.
Ang pagbubukas ng bagong registration center ay inaasahang mas magpapabilis sa proseso ng pagpaparehistro sa national ID dahil mas marami rin ang ma- aacomodate lalo na ang mga mallgoers.
Batay sa datos ng PSA hanggang nitong October 19, 2021, nasa 268, 225 na ang nakakapagparehistro sa national ID sa buong lalawigan.
Katumbas ito ng 80. 71 % sa target na 332, 322 registrants mula Hunyo hanggang Disyembre.
Maaari na ring mag online booking appointment ang mga residente sa mga bayan ng Basud, Daet, Jose Panganiban, Labo, Mercedes, Paracale, Sta Elena at Vinzons.
Sa mga residente sa nabanggit na bayan ay hinihimok na mag register online o mag log- in gamit ang mobile number o email address sa https://register.philsys.gov.ph para makapag-book ng appointment.

