Regional high value target ng PDEA, timbog!

Arestado ang Regional High Value Target ng PDEA sa Lambak Cagayan kahapon sa Purok 6, Brgy. Catabayungan, Cabagan, Isabela.

Dinakip si alyas Jay ng pinagsanib na puwersa ng kapulisan at Philippine Drug Enforcement Agency sa kanilang ikinasang Anti-Illegal Drug (Buy-Bust) operation.

Read More:  75-year-old woman stabbed dead by her live-in partner Davao de Oro

Nakuha sa kaniyang pag-iingat ang isang pakete ng hinihinalang shabu; P2, 000; at isang motorsiklo.

Read More:  PDEA Davao Sur arrests drug personality, seizes P780K illegal drugs

Dinala ang mga nakumpiskang ebidensiya sa Cabagan Police Station at inihahanda na rin ang kasong isasampa laban sa suspek.|#BrigadaNews