Recto, naniniwalang lilipas din ang political tampuhan sa Kamara

Minaliit ni House Deputy Speaker at Batangas 6th district Rep. Ralph Recto ang isyu sa pagitan ni Speaker Martin Romualdez at Pampanga 2nd district Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Read More:  NGCP: stable power services in Mindanao following earthquake

Naniniwala si Recto na lilipas din ang aniya’y ‘political tampuhan’ sa Kamara.

Iginiit din ng mambabatas na anumang miscommunication na pinalaki lamang ay hindi magagawang mabuwag ang alyasang nabuso sa pagitan ng mga mambabatas na may iisang hangarin sa bansa.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Sa dami aniya ng problema ng bansa na kailangan tugunan at solusyunan ay hindi na pag-uukulan pa ng pansin ng Kongreso ang mga intriga.//CA