Re-elected Cagayan Gov. Mamba , di-nisqualify ng COMELEC

Diniskwalipika ng Commission on Elections – Second Division si Reelected Cagayan Gov. Mamba para maging opisyal na kandidato sa pagka-gobernador ng probinsya ng Cagayan.

Mababatid na noong Mayo, naghain ng petisyon ang kalaban nito sa pagka-gobernador na si Ma. Zarah Rose de Guzman Lara na nag-uutos na idiskwalipika ang kandidatura ni Mamba.

Ang dahilan umano paghahain ng petition – vote buying activities ng kampo nina Mamba gamit ang pondo ng provincial government.

Sa naturang petisyon, nakasaad ding pinaghihinalaan si Mamba na ngabigay ng P550 million gamit ang pondo mula sa ‘Krusada Kontra Korapsyon’ program ng Cagayan.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Ito ay matapos makatanggap umano ng mga rehistradong botante ng tig-iisang libong piso na sinasabing cash assistance daw.

Hiling din ni Lara na suspendihin ng Board of Canvassers ang proklamasyon ni Mamba na nagsasabing nakakuha ito ng pinakamaraming bilang ng boto.

Inakusahan din si Mamba ng paggamit ng nakalaang pondo para sa ilang mga programa ng probinsya, sa kabila ng pag-i-issue ng egional Trial Court ng Tuguegarao City ng temporary restraining order laban sa paggamit ng pondong nakalaan sa mga programa.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Samantala, nagsumite na si Lara ng mga screenshots at news clips sa Comelec bilang ebidensya.

Sinabi ng komisyon na bagamat bigo na ipinakitang mga ebidensya na si Mamba ay nagkasala, matibay ito para mapatunayan na siya ay lumabag sa Section 261(v)(2) ng [Omnibus Election Code] at Section 2 ng Comelec Resolution No. 10747, ayon sa Comelec.
#