SA isang pambihirang pagkakataon ay nahukay ng mga minero sa bansang Angola ang pambihirang “pure pink diamond” sa Lulo mine sa naturang bansa.
Batay sa ulat, ang naturang diamond ay nagtala ng kasaysayan dahil pinaniniwalaang ito na ang pinakamaling diamond na nahukay o natagpuan makalipas ang 300 taon.
Ayon sa ulat, tinawag na Lulo Rose ang natagpuang 170 carat pink diamond na isinunod sa ngalan ng lugar kung saan ito natagpuan.
Sa pahayag naman ng isang investor ng Lucapa Diamond Company, ito na umano ang pinakamalaking pink diamond na nahukay sa kasaysayan ng mundo.
Asahan rin umanong napakamahal ng magiging halaga nito dahil noong 2017 ay naibenta sa halagang 71.2 million US dollars ang isang 59.6 carat Pink star sa isinagawang auction sa Hong Kong.### JDR, BNFM Bicol