Rapid assessment ikinasa ng E. Samar LGU kasunod ng paghagupit ng bagyong Jolina

Patuloy ang isinasagawang rapid assessment sa Eastern Samar Provincial Government kaugnay sa epekto ng bagyong Jolina sa lugar.

Ayon kay Eastern Samar Gov. Ben Evardone simula pa kagabi ay naramdaman na ang malakas na hangin at ulan nangdulot ng malawakang blackout sa kanilang probinsiya.

Read More:  Supreme Court asks Sotto to explain remarks on VP Sara impeachment ruling

Hindi pa naman masabi ng gobernador kung ilan ang danyos dulot ng bagyo at wala pa ring report ng casualty.

Read More:  Atin Ito Coalition denies ‘planted trash’ claims by Chinese media

Samantala sinuspendi na rin ang pasok sa mga ahensiya ng gobyerno sa Tacloban City bunsod ng masamang panahon.

Nabatid na simula kagabi makailang beses nang nag-landfall ang bagyong Jolina sa mga bayan ng Hernani Eastern Samar, Daram at Sto. Niño Western Samar.