Rape incidents na naitala sa isabela, mas mababa sa buwan ng Marso

Naitala ang apat na insidente ng rape sa buwan ng Marso sa probinsya ng Isabela kung saan mas mababa ito kumpara sa naitala noong buwan ng Pebrero.

Sinabi ni PMAj. Amy Dela Cruz na mula sa dating siyam noong February, 2022 ay bumaba nalang sa apat.

Read More:  5 NPA rebels killed in Negros Occidental clash

Ito aniya ay dahil nagkaroon na ng pagluwag sa mga restriction sa lalawigan matapos ilagay sa Alert level 1 System.

Aniya, karamihan kasi sa mga naitalang insidente ay naganap sa residential o sa loob ng tahanan nangyari ang mga krimen kung saan magkasama ang perpetrator at biktima.

Read More:  ₱15.6-million worth of shabu seized in Davao City buy-bust operation

Kaugnay nito ay patuloy umano nilang paiigtingin ang mga programa ng kapulisan at pakikipagdayalogo sa mga would be perpetrator at victim sa mga barangay.

Habang nakapokus naman ang WCPD personnel sa bawat himpilan ng pulisya sa naturang usapin at ipinagbigay-alam sa mga ito ang mga bagong bagong batas at elements of crime.