CAMARINES SUR – Patuloy na tumataas ang rape cases sa mga kabataan sa Camarines Sur sa ilalim ng kategoriya ng child abuse kung saan nagdadala ito ng pagkaalarma sa komunidad.
Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Pcapt. Marlon Lladoc, tagapagpahayag ng PNP Camarines Sur kung saan napag-alaman pa na noong nakaraang taon, sa rehiyong Bicol, nangunguna ang Camarines Sur at ang bayan ng Tigaon ang top 1 sa isyung ito.
Ngayong 2024, may iilang kaso na ang naitala at karamihan sa mga ito ay nangyayari sa pagitan ng alas 9 ng gabi hanggang madaling araw sa mga liblib na lugar o sa mga malalayo na sa lungsod.
Kaugnay nito, hindi tumitigil at mas pinaiigting ng kapulisan ang pagbibigay ng kaalaman sa mga kabataan sa pamamagitan ng symposium sa mga liblib na barangay ng bawat bayan.