Rain gauges sa palibot ng Bulkang Mayon, mahigpit na mino-monitor

LEGAZPI CITY – Mahigpit ngayon ang ginagawang monitoring ng Albay Public Safety and Emergency Management Office sq mga rain gauges na nakalagay sa palibot ng Bulkang Mayon. Ito ay kasunod ng tuluy-tuloy nq malalakas na pag-ulan sa lalawigan dulot ng habagat o southwest monsoon na pinalakas ng nagdaang Super Typhoon Carina.

Read More:  Loud sound at Isulan school was not gunfire, Governor says; faulty wiring suspected

Ayon kay APSEMO head Dr. Cedric Daep, naka-monitor ang kanilang opisina sa mga rain gauges ng lalawigan, kung saan sa oras man na lumakas pa at magpatuloy ang pag-ulan ay magbababa na sila ng landslide at lahar advisory.

Ang datos umano mula sa nasabing mga rain gauges ang kanilang magiging basehan sa paglalabas ng abiso sa posibleng banta ng landslide at lahar.

Read More:  ₱3.7M worth of suspected marijuana seized in Cebu City

Ayon pa sa datos ng nasabing opisina, nasa 35,200 na mga pamilya o katumbas ng 132,933 na mga indibidwal ang posibleng maapektuhan kung sakali mang magkaroon ng pagragasa ng lahar at kung magpapatuloy pa rin ang mga malalakas na pag-ulan sa lalawigan.//