RACE campaign ng SSS, epektibo; P1.9M, nakolekta sa delingkwenteng employers

Umabot na sa P1.9M ang nakolekta ng SSS sa lalawigan ng Sorsogon sa ilalim ng programang Run After Contribution Evaders (RACE).

Sa pahayag ni SSS Vice President Luzon-Bicol Division Elenita Samblero, sinabi nito na sa kabuuang P7.8M na established collectibles agad nilang nakolekta ang P1.9M ‘as of April’ mula sa mga employers na agad na sumunod sa kautusan at nagbayad ng ‘full’ habang ang iba ay sa pamamagitan ng ‘installment bases.’

Dagdag pa ng opisyal na ang ibang employers ay nagpapareconstruct kung kaya’t hindi naman agad nila nakukuha ng madalian ang halaga ng collectibles.

Sa ngayon aniya, ay may P5.8M na collectibles ang sangay ng SSS sa lalawigan.

Noong Biyernes, Abril 26, ay muli na namang nag-ikot sa bayan ng Gubat ang mga kawani ng SSS at pinaalalahan ang pitong establisamiyento ukol sa pagbabayad ng kontribusyon ng kanilang empleyado.

Kabilang sa binisita ay dalawang sangay ng pizza parlor sa lungsod, dalawang hardware, bakery/bakeshop, transport group at pasalubong/variety store lahat sa nasambit na bayan.

Ayon pa kay Samblero, mas maraming RACE ang isasagawa sa taong ito dahil maganda ang naging impact ‘’in terms of awareness’’ at positibo ang naging pagtanggap ng mga employers dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *