Rabiya, gustong magkaroon ng funeral parlor business

Isiniwalat ni Rabiya Mateo na pangarap niyang magkaroon ng isang funeral parlor.

Isa ito sa mga facts na kaniyang ibinahagi sa isang Youtube video na inilabas nitong Linggo kung saan ay naikwento ng beauty queen ang kaniyang pananaw sa kamatayan at mga punerarya sa Pilipinas.

Sinabi ni Rabiya na bahagi na sa ayaw o sa gusto ng mga tao ay bahagi na ng cycle of life ang kamatayan.

Read More:  Alex Gonzaga, Mikee Morada announce pregnancy

Ipinunto naman ni Rabiya na hindi niya gusto ang pag-makeup ng mga punerarya lalo na sa mga probinsya.

Paliwanag ni Rabiya, tila kasi ay nilalagyan lang ng puting foundation ang mga patay.

Read More:  Cristine Reyes, Gio Tingson are Engaged

Dahil diyan ay sinabi ni Rabiya na nais niyang magkaroon ng sariling punerarya kung saan ay pwede niyang pagandahin ng husto ang kaniyang mga kliyente.

Matatandaan na nakauwi ang Ilongga beauty queen sa bansa noong July 14 matapos nitong irepresenta ang Pilipinas ika-69 na edisyon ng Miss Universe pageant kung saan ay nagtapos siya sa Top 21 ng kompetisyon.