Hinahangad ni Filipino boxing icon Manny Pacquiao na makaharap muli ang karibal na si Floyd Mayweather Jr. sa isang rematch sa 2024.
Inihayag ito ng dating eight-division world champion noong Bisperas ng Bagong Taon sa Rizin 45 mixed martial arts event sa Saitama.
Maalalang nakaharap ni Pacquiao si Mayweather, siyam na taon ang nakalipas matapos ang tinaguriang “Fight of the Century.”
Parehong hindi ibinunyag nina Pacquiao at Rizin ang buong detalye ng posibleng rematch dahil hindi pa sumasagot ang kampo ni Mayweather hinggil rito.
