Quarantine sa mga inbound travelers sa Puerto Princesa, inalis na – City IATF

Wala ng ipapatupad na mandatory quarantine sa mga inbound travelers o sa mga magbiyahe mula sa ibang lugar papasok sa Puerto Princesa City.

Ayon sa tagapagsalita ng Local Inter-Agency Task Force na si  Atty. Norman Yap, wala ng requirement na mandatory hotel o facility base quarantine doon sa mga hindi bakunado at maging sa mga Authorized Persons Outside of Residence (APOR) na magtatagal sa lungsod ng mahigit 5 araw.

Nilinaw naman nito na kailangan pa rin na magkaroon ng “prior coordination sa pamamagitan ng S-Pass” na dati na ring ipinatutupad.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Kapag ang mag-biyahe ay APOR, kailangan mag-submit ng kanyang travel itinerary, maging ng kanyang return ticket upang malaman kung hanggang kalian ang pamamalagi sa lungsod.

Magpapakita pa rin ng vaccination card ang mga fully vaccinated.

Ipapatupad pa rin aniya ang pag-undergo sa antigen testing ng mga ito sa pangalawang (2nd) araw, panlima (5th) o sa pampito (7th) na araw simula ng dumating sa Puerto Princesa City bilang disease surveillance.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Kasama naman sa requirements ang negative antigen test result para sa mga fully vaccinated na pasahero.

Dagdag naman ni Atty. Yap, kung sakaling payagan ng airport o maging ng seaport authority na pasakayin ang mga hindi bakunado at yung mga hindi kumpleto ang bakuna ay negative RT-PCR, dalawang araw bago ang kanilang pag-alis. Ipinaliwanag nito na mayroong kautusan kasi ang Department of Transportation (DOTr) na “No vaccine, No Ride”, ito ang kanilang hahanapin kung sakali lamang na sila ay papayagang sumakay.