QCPD, iimbestigahan umano’y karahasan ng pulisya sa mga nagra-rally na mga estudyante

Iniimbestigahan na ng Quezon City Police District (QCPD) ang umano’y marahas na dispersal ng mga nag-ra-rally na estudyante sa Batasan Hills, Quezon City.

Pinulong na ni QCPD Chief Redrico Maranan ang Station Commander ng Batasan.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Inatasan ni Maranan na pagsabihan ang kanyang mga tauhan tungkol sa nararapat na aksyon tuwing may kilos-protesta.

Sa ulat ng College Editor’s Guild of the Philippines, anim ang nasugatan sa dispersal ng mga pulis.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Una nang kinondena ni QC Mayor Joy Belmonte ang pagpapaalis sa mga estudyanteng nagpapahayag ng kanilang saloobin.