QC LGU, magde-deploy ng karagdagang QCity Bus

Magdedeploy ng karagdagang QCity Bus ang pamahalaang lungsod ng Quezon, ngayong araw.

Ito’y para maalalalayan ang mga pasahero kasunod ng tatlong araw na tigil-pasada ng grupong PISTON.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ayon sa Quezon City Public Information Office (PIO), bumiyahe na kaninang alas-singko ng madaling araw ang naturang mga bus hanggang alas-nuwebe ng gabi depende sa ruta.

Batay sa abiso ng lungsod, babaybayin ng bus ang Cubao, Litex, IBP Road, Gilmore, C5 Ortigas Avenue Extension, at Muñoz.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Bukod dito, may biyaheng balikan sa Welcome, Rotonda papuntang Aurora Boulevard.

Binigyang-linaw ng lokal na pamahalaan na walang suspensiyon ng klase at sakaling mahirapan ang mga estudyante sila’y excused pero sasabak sa asynchronous classes.