LEGAZPI CITY – Nagpaalala ang Provincial Youth and Sports Development Office (PYSDO) Albay sa mga tatakbong kadidato sa Sangguniang Kabataan (SK) elections, na isa-puso ang mandato ng batas sa pagsisilbi sa publiko.
Ayon kay PSYDO Albay Head Rhondon Ricafort, ang pagsasa-puso ng mandato ng batas ay kahalintulad lamang ng pagsisilbi sa mga nasasakupan at pagiging boses ng mga kabataan sakanilang barangay upang mas maipatupad ang mga programa tulad ng youth development programs at iba pang mga proyekto.
Ayon pa kay Ricafort, hindi umano tamang desisyon o solusyon ang pagbibitiw sa puwesto lalong lalo na ang abandonahin ang posisyon kapag mayroong problemang kinakaharap.
Sinabi pa ni Ricafort na base umano sakanilang talaan, maraming mga SK Officials na ang bumababa sa pwesto sa hindi valid na rason.
Ang ilan pang mga rason umano ay dahil nahihirapan ang iba na maisagawa ang kanilang mga programa para sa mga kabataan dahil na rin sa kakulangan sa pondo at suporta.