PWI, malabong maalis bilang water service provider ng lungsod ayon sa ilang legal expert

Naniniwala ang ilang legal expert na imposibleng mapaalis sa lungsod ng Sorsogon ang Prime Water Inc. bilang service provider sa mahigit 15K households sa lungsod ng Sorsogon.

Ayon kay City Councilor Atty. Glenn Olbes, Chairman ng Committee on Energy, kahit pa may ultimatum na kasi ang tinatawag na termination ng Joint Venture Agreement (JVA) na magtatapos sa Agusto, malaki ang magiging sugal rito ng City government dahil walang katiyakan kung mababayaran ng LGU ang daan- daang milyong pisong naipuhunan ng Prime Water sa lahat ng kanilang water sources at operations maging ang mga pondong naiwan ng nasabing kompanya sa loob ng mahabang panahon sa pag- aayos ng serbisyo nito.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Maliban pa rito, nakikita naman aniya ang patuloy na pagsusumikap ng nasabing water service provider sa paghahanap at pagdevelop ng mga water sources kasabay ng patuloy na pagdami ng mga member consumesrs, kung kaya’t naniniwala ang opisyal na magkakaroon ng mas maayos na pag- uusap ang LGU at ang Prime Water pagdating sa ganitong usapin dahil wala rin aniyang katiyakan kung mas magiging maganda nga ba ang serbisyo ng tubig sa lungsod kung LGU o ibang service provider na ang mamamahala sa suplay ng tubig sa lungsod.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan