Puwersa ng mga tropang nagpa-patrolya sa West Philippine Sea, lalo pang pinalakas

Sanib-puwersa ang mga tropa ng Philippine Navy at ng Western Command ng Armed Forces of the Philippines sa pagsasagawa nito ng ‘sovereignty patrol’ sa West Philippine Sea.

Personal na bumisita si WesCom commander Vice Admiral Alberto Carlos sa mga tauhan ng Philippine Navy sa BRP Andres Bonifacio PS17.

Read More:  Teachers’ Group again calls for proper implementation of education programs

Kabilang sa mga nirondahan ng mga tropa ay ang mga detachment sa Rizal Reef, Littoral Monitoring Station (LMS) Melville sa Cape Melville, Balabac; pati na rin ang Naval Station Narciso Del Rosario (NSNDR) sa Balabac, Palawan.

Ayon kay Carlos, sinulit niya ang pagkakataong mayroong misyon ang PS17 kaya naman sumama ito sa pagpa-patrolya.

Read More:  Sen. Bato’s camp calls for respect for ex-PNP chief’s human rights

Mabuti aniyang nakita niyang nananatiling mataas ang morale ng mga personnel ng Navy.

Matatandaang noong nakaraang linggo nang gunitain ng Pilipinas ang ika-anim na anibersaryo ng makasaysayang rulling ng Hauge arbitriation kung saan ay binabasura ang hirit ng China na nine-dash-line, pati na rin ng iba pang mga claimants.
#