Lumapag na sa Pilipinas si Japanese Prime Minister Fumio Kishida ngayong hapon.
Ito ay para sa kaniyang pagdalo sa dalawang araw na official visit sa bansa.
Ngayong gabi – nakatakda ang pagsasagawa ng arrival honors sa Kalayaan Grounds, Malacañan Palace.
Susundan naman ito ng Bilateral Meeting sa State Dining Room sa Malacañang; at ang Presentation of Agreements and Leaders’ Statements.
Bukas, araw ng Sabado ay isasagwa ang special joint session sa Kongreso kasama ang Senado at ang Kamara.