COMELEC, tiniyak na ‘di apektado ang BSKE files sa nangyaring sunog sa Sta. Margarita, Samar

Kinumpirma ni Commission on Elections (COMELEC) chairperson George Garcia na isang tanggapan nila mula sa Sta. Margarita, Samar ang nasunog ngayong umaga.

Read More:  DSWD strengthens water, food security efforts amid Super El Niño threat

Sa kabila nito, tiniyak ni Garcia na walang mga mahahalagang dokumento ang natupok ng apoy.

Aniya, ‘in tact’ pa rin ang kopya ng mga certificate of canvass ng mga boto; at naiproklaman na rin ang mga nanalo sa barangay at Sangguniang Kabataan elections sa naturang bayan.

Read More:  29 Filipinos involved in Bavaria bus accident return to Milan