Pulis sa Colorado walang nakitang sapat na ebidensiya para sampahan ng kaso si Grizzlies guard Ja Morant

Walang nakitang sapat na ebidensiya ang Glendale Police Department (GPD) sa Colorado para sampahan ng kaso ang Memphis Grizzlies guard na si Ja Morant matapos magpakita ng baril sa Instagram live sa isang nightclub.

Read More:  Carlos Yulo advances to vault, floor exercise finals at World Championships

Nauna nang sinabi ng two-time National Basketball Association All-Star na plano niyang humingi ng paumanhin sa insidente.

Mahigpit na ipinagbabawal ng NBA ang pagdadala ng baril ng isang manlalaro lalo na kung ito ay nasa byahe kasama ang koponan.

Read More:  Fuel Masters outlast Bolts to close in on quarterfinal berth

Samantala, hindi pa rin makakasama ng Memphis Grizzlies si Morant, inaasahan na apat na laro pa ang imimintis nito.//CA