Pulis, patay sa pamamaril ng dalawang riding-in-tandem sa Monkayo, Davao de Oro

Patay sa pamamaril sa maraming beses ng dalawang riding in tandem ang isang pulis alas 4:52 ng hapon, Setyembre labing isa, dalawang libo’t dalawamput dalawa sa National Highway, Brgy. Bamlag, Monkayo Davao de Oro.

Kinilala ang biktima ng SOCO Davao de Oro na si Police Master Sergeant Rey Binalangbang na nassign sa Davao De Oro PPO (Supply Section) at residente sa Montevista, Davao de Oro.

Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, naglalakbay ang biktima mula sa Montevista patungo sa Monkayo at pagdating niya sa lugar na pinangyarihan ng krimen, bumaba siya mula sa minamanehong pick up upang umihi ngunit bigla na lamang itong tinambangan ng dalawang magkasunod na motorsiklo sakay ang mga hindi pa nakikilalang mga suspek at agad nitong pinagbabaril ang biktima sa maraming beses sanhi ng maraming tama ng bala sa kanyang katawan.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Agad na isinugod ang biktima sa Davao De Oro Provincial Hospital Montevista ngunit idineklara itong Dead on Arrival ni Dr. Rodolfo O. Rimando Jr. alas 5:20 ng hapon.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Ang biktima asawa ng dating konsehal sa bayan ng Montevista, Davao de Oro na si Alice Binalangbang na natapos ang kayang tatlong termino sa konseho.

Sa kasalukuyan, patuloy na pinaghahanap ng otoridad ang riding in tandem na mga suspek sa nasabing pamamaril patay na tumakas sa hindi pa natutukoy na direksyon. (97.5 BNFM TAGUM | ALJUN GUILARAN)
#