Pulis – patay nang mabaril ng 7-Y.O. na anak

Patay ang isang pulis matapos mabaril ng kaniyang pitong taong gulang na anak sa Sagay City.

Ang pulis ay isang 44-taong gulang na Police Staff Sergeant, at miyembro ng Sagay City Police Station.

Ayon sa impormasyon na nakalap ng Brigada News FM Bacolod, ang pulis at ang kanyang ka live-in partner ay nag-aaway daw dahil sa selos na maraming followers ang TikTok account ng babae.

Ang matinding away sa loob ng kwarto ay nauwi ‘di umano sa physical violence habang nanonood ang kanilang pitong taong gulang na anak.

Hindi namalayan at ito ay pumunta sa isang kwarto at kinuha ang service firearms ng kayang ama, na isang 9mm Glock 17 pistol na nakapaloob sa isang plastic box.

Pagkatapos nito ay ipinasok daw ang baril sa butas at doon na binaril ang ama.

Sa ngayon ang bata ay nasa kustodiya ng Women and Children Protection Desk habang patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga pulis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *