Magkumpare, nagkainitan sa inuman; isa, sugatan sa pananaksak

Nauwi sa pananaksak ang inuman ng magkumpare sa Brgy. Rizal, Santiago City matapos magkaroon ng tensiyon sa pagitan ng dalawa.

Sa detalyeng nakuha ng Brigada News Team, hindi na pinangalanan pa ang dalawang sangkot pero base sa report ay nasa 50-anyos ang biktima na isang traysikel drayber, habang 40-anyos naman ang suspek na isang construction worker.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga pulis na nag-iinuman ang dalawa kasama ang isa pang lalaki sa bahay ng drayber at nang maubos nila ang bote ng alak na kanilang iniinom ay nagkainitan ang mga ito na nag-resulta ng suntukan.

Makaraan ang ilang saglit ay naglabas ng kutsilyo ang suspek at dito na niya sinaksak ang biktima.

Mabilis naming naisugod ang biktima sa pagamutan habang nasa kustodiya na ng mga pulis ang suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *