Pulis na tulak ng iligal na droga sa Oas, Albay, tiklo; mahigit PHP200K halaga ng droga, narekober

LEGAZPI CITY – Tiklo ang isang pulis na tulak ng iligal na droga sa bayan ng Oas, Albay matapos ang ikinasang buy-bust operation kahapon, Hulyo 28.

Kinilala ang suspek na si PSSg. Gregg Redoblado, residente ng Brgy. Iraya Norte ng nasabing bayan.

Read More:  Six arrested in Leyte over alleged illegal diesel sale

Ayon sa report ng mga otoridad, narekober sa kanya ang humigit-kumulang 30 grams ng pinaniniwalaang “shabu” na may tinatayang halaga na aabot sa PHP204,000.

Maliban dito, nakumpiska pa sa suspek ang Glock 17 na baril na may serial number na PNP53876, isang bala at 16 bala para sa caliber 9mm.

Read More:  LTO-7 summons rider who spat on bus driver in Cebu

Samantala, hawak na ngayon ng mga otoridad ang suspek kasama ang mga nakuhang ebidensya para sa kaukulang disposisyon.