Kalaboso ang isang bagitong pulis matapos nahuli sa aktong ninanakawan ang mga tents ng mga kabarong pulis sa isang event sa Barangay Tambler, General Santos City.
Kinilala ni Tambler Police Station Chief Police Major June Eric Deguito ang suspek na isang Patrolman Danilo Varona Jr., na naka-assign Sa Sarangani Provincial Police Mobile Force Company.
Tatlong mga bagitong pulis ang nagreklamong tinangay daw nga suspek ang kanilang mga slingbags na may lamang pera, ids at iba pang personal na gamit.
Ayon kay Major Deguito, hindi kasama sa billeting area ang supek na pulis kayat nagtaka ang bantay bakit ito nakapasok.
Pinigilan ng bantay na makaalis ang suspek at nakuha mula sa kanya ang apat na mga sling bags na may lamang mga gamit ng mga pulis.
Nakuha rin sa suspek ang kanyang isuued firearm na may magazine at mga bala.
Naisampa na ang kasong pagnanakaw laban sa bagitong pulis sa pamamagitan ng inquest proceedings sa tanggapan ng GenSan City Prosecution Office.
Hinihintay pa ng Tambler PNP ang resolusyon ng nakasampang reklamo.
Wala pang inilabas na pahayag ang inireklamong pulis. | 89.5 BNFM GENSAN
