Pulis na hindi umano nabigyan ng yosi, nanghampas ng baril; lasing pa raw

Nagtamo ng sugat sa mukha ang isang 19 anyos na binata matapos hampasin ng baril ng pulis nitong gabi ng Martes, ika- 12 ng Setyembre 2023 sa Barangay Sandoval Taytay, Palawan.

Ang biktima ay si Elven R. Tabi, 19 anyos habang suspek nito ay isa umanong “P02 Jezreel Magdayao” na residente rin sa lugar.

Sa sumbong ng ama ni Elven sa Brigada, bago ang panghahampas, nasa tindahan ang kanyang anak at nagpi-piso net nang dumaan si Magdayao, humingi raw ito ng sigarilyo ngunit wala siyang naibigay.

Nagalit umano ang alagad ng batas na di umano ay lasing bago nito hinampas ng baril ang binata- nasaksihan daw iyon ng mga kasama ng binata.

Sa medical certificate ng binata, nagtamo ito ng “abrasion abrasion at right zygomatic area” o gasgas malapit sa mata.
Desidido ang ama ng bata na magsampa ng pormal na reklamo sa PNP.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire
Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon


Samantala, hinihintay ng Brigada ang opisyal na pahayag ng Palawan Provincial Police Office (Palawan PPO).