Pulis arestado matapos makumpiskahan ng iligal na droga sa Pampanga

Arestado ang isang aktibong pulis matapos makumpiskahan ng iligal na droga sa ikinasang anti-illegal drug operation sa Barangay Del Pilar sa San Fernando City, Pampanga kahapon.

Sa ulat ng Police Regional Office 3, kinilala ang suspek na si Police Senior Master Sergeant Memito Luyon na naka-assign sa San Fernado Police Station.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Nakumpiska sa kanya ng mga awtoridad humigit-kumulang 50 gramo ng hinihinalang shabu at may street value na Php 340,000.00.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Fernando Police Station ang suspek na pulis habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 laban sa kanya.