Publiko,pinayuhang huwag maniniwala sa mga propagandang sumisira sa vaccination program ng pamahalaan

OLONGAPO-Kinontra ng James L. Gordon Memorial Hospital sa Olongapo ang inilalabas na propaganda gamit ang social media ng ilang indibidwal para palabasing nakasasama ang pagpapabakuna kontra corona virus disease.

Ito ay makaraang maobserbahan ng pagamutan na mas dumarami ang mga namamatay sa Pilipinas dahil sa kawalan ng bakuna at walang ni isa man ang namatay ng dahil sa pagpapabakuna.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ayon kay Hospital Chief Dr. Jewel Manuel,marami ang napapaniwala ng mga fake news gaya ng mga uploaded sa social media na nagsasabing ang mga naturukan ng second dose ay mayroon nang microchip sa katawan at bilang patunay ay dumidikit ang magnet sa parte ng braso na nabakunahan.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Payo ni Manuel,huwag basta-basta maniniwala sa mga makikita sa social media na ang target ay pahirapan ang gobyerno na labanan ang covid-19.//Chiristian Andres-BNFM OLONGAPO

May be an image of text