Public hearing tungkol sa pagrebisa ng Ordinansa sa operasyon ng Poultry Farm sa Iba, Isasagawa

Magsasagawa ng Public Hearing ang Committee on Health and Sanitation ng Sangguniang Bayan ng Iba, Zambales.

Ito ay may kaugnayan sa inihaing pagrerebisa sa ordinansa tungkol sa operasyon ng mga Poultry Farm sa bayan.

Read More:  High-ranking NPA leader killed in Albay clash

Layon umano nito na tuluyang masolusyunan ang problema sa langaw na nakaapekto sa bayan at turismo mula noong March 1.

Gaganapin ang public hearing sa March 20, 2023, alas nwebe y medya ng umaga sa Sangguniang Bayan Session Hall ng Iba, Zambales.

Read More:  Forest fire affects 7 hectares in Davao de Oro

Matatandaan na noong nakalipas na linggo lamang ay may ipinasarang poultry farm ang LGU matapos umanong mapatunayang may paglabag sa sanitasyon.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO