PSA, local civil registrar officers na sangkot sa fake PH passport: pinahuhuli at pinakakasuhan

Kinwestyon ni Senador Raffy Tulfo ang bigong pagkaso ng Bureau of Immigration (BI) sa mga empleyado ng Philippine Statistics Authority (PSA) at local civil registrar offices na sangkot sa paglaganap ng pekeng Philippine passport.

Kasunod ito sa naging pag-amin ni Sheila Guo sa Senado na dalawa ang pasaporteng hawak niya at kabilang na rito ang pekeng PH passport na bigay ng kanyang tumatayong tatay.

Read More:  VP Sara camp ready for Senate impeachment trial

Pagdidiin ng senador, maliban sa mga pekeng pasaporte na mayroon ang pamilya Guo ay nakapagtala na dati pa ng mga kaparehong pekeng dokumento ngunit hindi naparusahan ang mga nasa likod nito.

Read More:  Palace urges lawful action on Bato ICC arrest issue

Bilang maituturing na banta ito sa pambansang seguridad ay nanawagan ang senador sa BI na ipagpatuloy ang paghuli sa mga sangkot dito upang makasuhan.