PRRD, walang balak na ibahagi ang kaniyang mga plano sa politika sa SONA

Inihayag ng Palasyo na hindi na inaasahan na magbabanggit si Pangulong Rodrigo Duterte ng anuman plano nito sa politika sa kaniyang huling State of the Nation Address sa July 26.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang mahalaga ay ang roadmap ng Pangulo para sa huling taon nito sa kapangyarihan.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Sa isa naman panayam ay sinabi ni Roque na babanggitin ng Pangulo ang tungkol sa pandemic response at vaccination program ng gobyerno.

Samantala, umaasa naman ang Malacañang na maipapasa na ang priority bills ng administrasyon ngayong taon, dahil posibleng maging abala na ang mga mambabatas dahil sa eleksyon sa susunod na taon.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Mababatid na tinatayang nasa 19 na priority bills na ng Pangulo ang inaasahang maisasabatas kabilang na ang magpapalawig sa panahon para sa probisyon ng lifeline rates sa mga mahihirap, ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act o CREATE, at ang batas na magpapabilis sa procurement ng administrasyon sa mga bakuna kontra COVID-19.