Ipinagamit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa militar at pulis ang lahat ng military assets para masuportahan ang recovery at rehabilitation efforts sa mga komunidad na hinagupit ng Bagyong Odette.
Tiniyak ito ng Pangulo sa harap ng mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan at militar sa Lapu-Lapu City.
Nagasagawa rin ng monitoring ang Pangulo sa mga naging epekto ng Odette sa mga apektadong lugar.
Nagpasalamat naman ang Pangulo sa Philippine Coast Guard at Philippine Navy dahil sa pagsisikap ng mga ito na maghatid ng tulong sa mga sinalanta ng bagyo.
