LWUA, target na maisaayos ang water system sa mga Odette-hit areas sa loob ng 15 araw

Target ng Local Water Utilities Administration (LWUA) na maisaayos sa loob ng 15 araw ang lahat ng water systems sa mga rehiyon na naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Odette.

Read More:  Sen. Bong Go urges government to cancel proposed ₱1,500 passport fee

Ayon kay LWUA administrator Guiling “Gene” Mamondiong, tinatayang nasa kalahati ng 181 na water districts sa anim na rehiyon ang naapektuha ng Odette.

Inihayag ito ni Mamondiong sa kabila ng limitado nitong manpower sa LWUA.

Read More:  Malacañang defends approved PUV fare hike amid rising fuel prices

Umaasa naman ang opisyal na makakalikom sila ng karagdagang pondo upang madali itong makaabot sa mga probinsya na tinamaan ng bagyo.