PRRD, kabilang sa “Press Freedom predators” – media watchdog

Napabilang si Pangulong Rodrigo Duterte sa listahan ng mga world leaders na tinaguriang “press freedom predators” ng Paris-based media watchdog na Reporters Without Borders (RSF) ngayong taon.

Sa inilabas na gallery ng Reporters Without Borders, nakalista dito ang 36 na mga lider ng iba’t-ibang bansa na nagsasagawa ng malawakang crack down sa press freedom.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Ayon sa RSF ang estilo ni Pangulong Duterte ay magkasa ng “total war” laban sa independent media.

Anila, nakasentro umano ang kapangyarihan sa Presidente lamang kung saan ang Kongreso ay ineendorso ang lahat ng desisyon ng Pangulo.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Mayroon anilang “arsenal” o sandata si Pangulong Duterte kabilang ang pag-aakusa sa ilang independent media ng kasong defamation, tax evation at paglabag sa capital legislation, pagbawi ng broadcast licenses, paggamit ng troll army para siraan ang mga mamamahayag, at bilhin ang ilang media outlets.